Intriga ang naging kaaway ni P/Lt. Col. Jovie Espenido
February 16, 2020 Leave a comment
Maraming haka-haka tungkol sa pagka-relieve kay P/Lt. Col. Jovie Espenido bilang Deputy Chief ng Bacolod City nitong nakaraang linggo. Kasabay ang kanyang relief sa pag banat na naman ni Pangulong Duterte sa mga “ninja cops” na patuloy pa rin nag-ooperate. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, nandiyan pa ang illegal drugs. Nabawasan nga ang volume ng bentahan, pero nasa bilyon-bilyon pa rin ang halaga ng droga na pumapasok at kumakalat sa bansa.
Kasama ba si Espenido sa “narco-list” ni Pangulong Duterte ng mga pulis?
Pinahayag ni spokesman Atty. Salvador Panelo na hindi naniniwala si Pangulong Duterte na may involvement si Espenido. Ganun din ang tingin ko. Biktima si Espenido ng intriga, at maaring galing mismo sa loob ng Bacolod City Police Office ang intriga.
Deputy Chief lang si Espenido, at maaring naapakan niya ang mga kalyo ng mga mas senior sa kanya sa Bacolod. Yan din kung minsan ang problema kung may superstar status ang isang pulis. Na siya ang inaasahan na maka patigil sa problema sa illegal drugs sa Bacolod. Siyempre masama ang loob ng mga dati na diyan.
At kung magtatagumpay si Espenido, aba eh siyempre mawawalan sila ng pagkikitaan.
Nagpapakita lamang ito na napakalubha ang problema sa illegal drugs. With two years and four months left in the Duterte presidency. mukhang hindi ito mapupulbos dahil nga sa reklamo ng human rights violations at ang mga batas mismo natin.