Todo depensa na ang ABS-CBN sa “court of public opinion”


Hindi nakakasagot ang mga abogado ng ABS-CBN sa Korte Suprema, pero walang pahinga na ngayon ang TV network sa pagpalabas ng mga interview sa mga tinatawag nitong “legal experts” tungkol sa kasong QUO WARRANTO na inihain ng Office of the Solicitor General.

Sa isang balita na inilabas ng ABS-CBN, pinahayag ng ilang mga abogado na kakampi ng ABS-CBN na mahina yung kaso ni Calida at maaring ma-dismiss lang ito dahil sa mga dahilan katulad ng “wrong venue,” “lack of exhaustion of administrative remedies,” at kalawan ng “factual basis.”

Malinaw na isa itong pagtanim ng maling pag-akala sa taong bayan tungkol sa kaso upang maniwala sila na biktima lang ang ABS-CBN sa harassment mula kay Pangulong Duterte. Ina-away nito ang legal battle sa tinatawag na “court of public opinion” upang makakuha ng sympathy sa mga Filipino.

Kung sa basketball ito, FULL COURT PRESS na ngayon ang ABS-CBN sa propaganda war laban kay Pangulong Duterte. It is bringing the issues before the public arena and not in the Supreme Court. It is using its tremendous power to influence and shape public opinion in its favor.

Ang hindi alam ng ABS-CBN ay maaring nilalabag nito ang SUB JUDICE rule sa ating RULES OF COURT.

Bawal kasi na pinag-uusapan ng mga LITIGANT sa kaso ang mga MERITS OF THE CASE outside the court. This could give rise to a motion to cite ABS-CBN for CONTEMPT. Hindi ito makakatulong sa ABS-CBN.

Advice ko lang sa ABS-CBN: Doon kayo sa Supreme Court magpaliwanag. No amount of car horn honks, no Bayan Muna rally, no celebrity endorsements can influence the Supreme Court on the case. Who knows? Baka sakaling manalo kayo.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: