Hugas kamay na naman si Drilon
December 7, 2019 Leave a comment
Tusong-tao talaga itong si Senador Franklin Drilon.
Pagkatapos na binanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan niya kaugnay sa “onerous, lopsided and grossly disadvantageous” na kontrata na pinasok ng gobyerno kasama ang Maynilad at Manila Water ay mabilis itong nag text kay Executive Secretary Salvador Medialdea na wala siyang kinalaman doon.
Talagang ganyan ang ugali ni Drilon.
Hugas kamay.
That’s what he did when the scandal in the Iloilo Convention Center project erupted five years ago.
Wala daw siyang partisipasyon sa public bidding ng proyekto.
Hanggang paghanap ng pundo lang daw siya.
Mr. Drilon, bistadong-bistado ka na.
You cannot hide anymore with denials.