Leni, nasaan na ang mga pasabog mo?
December 5, 2019 Leave a comment
Hirap na hirap siguro si FVP Leni Robredo sa pag gawa ng script sa kanyang sinasabi na pasabog tungkol sa mga natuklasan niya sa “war versus drugs” ng gobyerno.
Sabi niya noong Linggo, darating at darating daw ang araw na isiswalat niya ang kanyang mga natuklasan. Hintayin na lang daw na matapos ang SEA Games.
Madam Leni, don’t try to take us for a ride.
Mas matalino na po ang mga Filipino ngayon dahil sa social media. Hindi na sila uma-asa sa bulok na mainstream media upang malaman kung ano ang nangyayari sa ating bansa.
Bakit mo pa hihintayin na matapos ang SEA Games?
Dahil ba gusto mo ikaw lang ang nasa spot light? Na wala kang kaagaw sa media attention?
You can have Inquirer, ABS-CBN, Rappler at iba pang mainstream media.
But the Filipino people cannot be fooled.
Direkta na silang nakakakuha ng katotohanan sa Facebook, YouTube at Twitter.
Kahit ano pa ang gagawin mo, hindi na bulag ang taong bayan sa katotohanan.