Dapat lang talaga magalit si Pres. Digong kay Drilon
December 4, 2019 Leave a comment
Pumutok na naman kahapon ang butsi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa aking kababayan na Senador, si Franklin Drilon, dahil sa pagbabala nito na huwag daw paki-alaman ang mga kontrata sa Maynilad Services, Inc. at Manila Water.
The President was fuming mad over what he described as lopsided, onerous and grossly disadvantageous to the government and the people.
Tinawag ni Pres. Duterte na isang kaso ng “economic sabotage” ang nangyari sa mga kontrata na ito.
Lalong nagalit si Pres. Duterte sinabihan siya ni Drilon na magdahan-dahan sa kanyang balak na ipa-review ang mga kontrata na ito.
Doon pumutok ang butsi ni Pres. Duterte.
“I distinctly recall that Drilon said something, ‘Presidente Duterte, do not tinker with that contract because we will end up paying so many billions of pesos.’ Senator Drilon, are you one of those who crafted the contract? I’m asking you,” he said during the oath-taking of new presidential appointees in Malacañang on Tuesday, Dec. 3.
Sabi ni Pres. Duterte na hindi siya takot na mabilanggo dahil sa pagpasiyasat niya sa mga kontrata na ito.
“I’m ready to go down. Hindi kita tinatakot. Pero ‘pag bumagsak ako, dadalhin talaga kita. I will — I will… I’m not — I’m not — takot-takot (I’m not trying to scare you but if I go down, I will drag you down. I’m not afraid). I’m not challenging you. Just tell the people the truth. You read the contract aloud and say if it is good for the people,” he added.
Hindi lang po yan Maynilad Services at Manila Water, Mr. President.
Meron din pong ganyang klase na kontrata dito sa Iloilo. Luging lugi po dito ang gobyerno. Luging lugi ang taong bayan. Ito po ang kontrata sa tinatawag na Lease, Operate and Manage (LOM) contract sa pagitan ng TIEZA at isang pribadong kompanya sa pag-operate ng Iloilo Convention Center.
Please click here to read my earlier blog article about this.
Ipa imbestigahan niyo po ito, Mr. President.