Survival mode na ang Liberal Party


Hanggang 2016, o tatlong taon lang ang nakaraan, tinuturing pa na superpower political party ang Liberal Party ni pinamunuan nina dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, dating Senador Mar Roxas at Senador Franklin Drilon.

Ngunit ngayon, parang pulubi na ang Liberal Party na naglilimos na lang para makahanap ng silungan sa House of Representatives. Ibinalita ng Philippine Daily Inquirer na balak ngayon ng LP sa sumali sa grupo ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa laban para sa Speakership.

Bakit hindi pinapanindigan ng LP ang prinsipyo nito bilang opposition party? Di ba magsalungat ang “core principles” ng partido ng mga dilawan sa mga policy ng Duterte administration?

Napakalinaw na “survival mode” na ang LP ngayon. Ini-isip na lang nito ang pansariling kapakanan ng mga miyembro at ibinasura na ang party principles. Nabibisto na ang LP na kahit noong panahon pa ni Pinoy, at wala na talagang prinsipyo ang mga miyembro, kaya nga napuno ng mga katiwalian ang Aquino administration.

Isa lang ang pakay nila: makisali sa majority bloc at maka-angkin din ang mga miyembre ng malaking parte sa pundo para sa mga proyekto.

Sayang.

Dati napakataas ang respeto ko sa LP. Saludong-saludo ako sa mga dating lider nito katulad ni Senador Jovy Salonga. Giniba ang partido ng mga lider mismo na sina Aquino, Roxas at Drilon.

Nakakahiya ang mga taong ito.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: