Pasaway na mayor Part II
May 29, 2014 Leave a comment
San Pedro City in Laguna is hemorrhaging because of the fiscal abuses of the Cataquiz administration. COA should take action and file appropriate cases.
Sa nabanggit ko na noong Huwebes, ang pagpapatakbo ng city hall sa San Pedro sa ilalim ng mag-asawang Cataquiz ay hindi sang-ayon, o kaya “illegal per se”, sa ating mga batas at mga patakaran na pinapasunod ng Commission on Audit. Hindi pa lumalabas ang 2013 annual audit report ng COA pero kung ang mga nakaraang report ang ating pagbabatayan, talagang maraming katiwali-an ang nangyayari sa luob ng munisipyo.
Tulad nalang, halimbawa, ng mga “cash advances” ng mga opisyal diyan sa city hall. Sa ilalim ng batas, ang anumang pera na kukunin bilang “cash advance” ay dapat ma-liquidate sa loob lamang ng ilang linggo at hindi umabot na taon. Subali’t binabaliwala ito ng mag asawang Cataquiz.
Noong taong 2012, ang “cash advances” ay umabot ng P21,960,270.24 at hinayaang hindi na-liquidate, o napakitaan ng katibayan at dokumento upang malaman na ginamit ito sa wasto.
Napakalaking pera ito! Tila tinuturing sariling pera ng…
View original post 103 more words